Ang kuwento ni Jeff Sarwer ay talaga namang isang halimbawa ng ebolusyon ng isang kampeon sa chess na naging isa sa pinakamagagaling na poker players ng kanyang henerasyon. Mahalaga na tignan nang mabuti ang propesyonal na resume ng Kanadyanong manlalaro upang alalahanin ang mahalagang payo na binigay niya sa isang mamamahayag ng JohnnyBet sa isang panayam na naging isang manual para sa manlalaro ng poker.
Ang talambuhay ni Jeff Sarwer ay nakaayos ng parang pelikula. Nagsisimula ito sa chess, ang mga alituntunin ay natutunan niya noong apat na taong gulang pa lamang siya mula sa kapatid niyang babae na mas nakakatanda ng dalawang taon sa kanya. Ang henyong magkapatid ay napakahusay sa paglalaro ng chess at gustung-gustong lumalabas sa media, na siyang nag-udyok sa kanila na ipagpatuloy ang kaibig-ibig na paksa ng dalawang menor de edad na chess pros. Sa edad na anim, si Sarwer ay nag-ensayo kasama si Al Carlin, kinalaunan (sa New York) pumasok sila ng kaniyang kapatid sa Manhattan Chess Club, noong 1986 sa edad na walo ay nanalo siya sa Under-10 World Youth Chess Championship at sa bakanteng oras, nananalo siya kasabay ang ilang mga tao sa mga speed chess playing shows. Gayunpaman, katulad ng buhay na sumasalamin sa isang pelikula, ang tagumpay sa isports at karera ay hindi kailangang kinukumpleto lagi ng masaya at pribadong buhay. Ang ama ni Sarwer ay nagkaroon ng problema sa batas at matapos bumalik sa kanilang bayan sa Kingston galing New York, inakusahan siya ng pagmamaltrato sa mga anak na kinuha sa kanya at dinala sa bahay ampunan. Nagdesisyon si Jeff na tumakas at bumalik sa kanyang ama, tulad ng kanyang kapatid na babae. Nung nagkasama-sama sila, ilegal na pumunta ang tatlo sa Europa na humadlang sa mga plano ng chess master sa maraming taon – bagaman naglaro siya gamit ang palayaw na Ray Philips, nakapaglaro pa rin siya gamit ang totoo niyang pangalan sa taong 2007 sa Malbork. Ngunit para bang hindi ito naging sapat, umabot sa punto na humiwalay si Sarwer sa kanyang ama at nagkaroon ng sariling business, tumira sa Gdansk at ngayon ay naninirahan sa Helsinki habang nagpaplano na maging chess grandmaster.
2. Naglalaro rin si Sarwer ng poker!
Panayam kasama si Jeff Sarwer
Ito ang buhay ni Jeff Sarwer na puno ng pangyayari sa maikling sabi. Gayunpaman, hindi ito kumpleto kung wala ang parte ng poker, isang napaka-importanteng bahagi para sa Kanadyano. Para sa ilang sandali sa kanyang buhay, si Sarwer ay nagsimulang maging isang matagumpay na manlalaro ng baraha. Ang malaking pagbabago sa kanyang buhay ay nangyari noong 2009 nang magtapos sya sa ikatlong pwesto sa European Masters of Poker tournament sa Tallinn, na may premyong US$ 37,589. Bumisita siya sa Estonia nang ilang beses pagkatapos noon, ang huling beses ay noong Pebrero 2015 nang magtapos muli siya sa ikatlong pwesto sa Kings of Tallinn kompetisyon (pangunahing premyo: US$ 18,736). Parang pagkatapos ng ilang taon ng mga katamtamang resulta, si Sarwer ay naging isang mapanganib na kalaban na may mga nakatagong tagumpay. Para sa mga nakasubaybay sa karera ng Kanadyano sa paglalaro ng poker ay siguradong maaalala ang kanyang pinakamahusay na mga marka: ikatlong pwesto sa European Poker Tour (EPT) Vilamoura noong 2009 (US$ 232,704 – pinakamalaking premyong napanalunan ni Sarwer), ikalawang pwesto noong Marso 2010 sa EPT na ginanap sa Berlin (US$ 149,207) o ang kanyang tagumpay sa sumunod na buwan ng EPT sa San Remo (mas prestihiyosong lugar kaysa sa malaking premyo – US$ 16,575). Ngunit matapos iyon ay may natigil at si Sarwer ay naglaro na may katamtamang resulta o nahirapang matagpuan nang lubos. Itong sunud-sunod na malas ba ay tapos na? Mahirap sabihin, ngunit hindi mo matatanggihan ang manlalarong ito ng mga magagandang oportunidad. Si Sarwer ay may potensyal na karamihan sa mga manlalaro ay hanggang pangarap na lang.
3. Maglaro at analisahin
“Kapag naglalaro online, gusto natin patuloy na maglaro tuwing nagiging matagumpay tayo. Maganda iyon, dapat maglaro ka pa nang husto ngunit kailangan mo ring analisahin ang iyong laro hangga’t maaari” – ang maikling kasabihan na ito ay ang sagot ni Sarwer sa tanong ng mamamahayag ng JohnnyBet tungkol sa kung paano maging magaling na manlalaro ng poker. Ang simpleng payo na ito ay naglalantad ng karanasan ng manlalaro sa chess, ang kaugnay na pasensya at ang abilidad na itrato ang kamay bilang kabuuan ay maaaring analisahin at himayin. Ang panimulang punto ng pilosopiya ni Sarwer pagdating sa poker ay ang paniniwala sa pangangailangan ng sistematikong kasanayan base sa kritikal na pananaw ng isang tao. Mahalaga itong malaman dahil ang online poker rooms ay ibang-iba sa paglalaro nang live ayon kay Sarwer. “Suhestiyon ko sa kahit sinuman na nais maging magaling na poker player na maglaro online,” saad niya sa kahabaan ng panayam. Ang katanungan gayunpaman ay nananatili: paano magpakasanay sa iyong laro online?
4. Pag-analisa ng equity, mababang rates at YouTube...
Ayon kay Sarwer, ang pagkakaroon ng karanasan sa paglalaro ng online poker ay hindi dapat dagdagan nang paunti-unti. Ang simpleng ideya sa pagkakaroon ng karanasan, iperpekto ang iyong mga kasanayan at panatilihin ang kritikal na pamamaraan sa iyong antas. Ang Kanadyano ay nagmumungkahi na gumamit ng software para analisahin at unawain ang equity (bukod sa iba pa, PokerStove) bilang parte ng unang yugto sa paglalaro ng online poker. Gayunpaman, ang instrumentong ito ay hindi pangkalahatan. Kailangan rin tutukan ang mga poker players games na rehistrado at naka-upload sa YouTube. Dapat maglaro ka rin nang sistematiko na syang pinaka-magandang pagsusuri ng progreso. Paano nga ba magsimula? Sabi ni Sarwer na kailangan maging maingat sa paglaro ng online poker – maglaro ng maliliit na buy-ins lamang (katulad ng mga isang daan) at micro stakes (US$ 0.01, US$ 0.02). Kung makakuha ka ng tubo na may limitadong funding, magandang pagbabala ito bago maglaro sa mas advanced na games. Sa puntong ito, nirerekomenda ni Sarwer na gumamit ng hud (katulad ng Poker Tracker) para makapag-kolekta ng mga estatistika upang sundin ang bawat kamay at analisahin ito nang maayos.
5. Ang kapangyarihan ng komunidad
Naniniwala si Sarwer na ang paggamit ng software ay kailangang-kailangan na elemento sa pagpapatibay ng iyong kwalipikasyon bilang manlalaro ng poker, ngunit sa ibang banda ang karagdagang pagsusuri ay posible sa loob ng komunidad sa internet na nakasentro sa poker. Ang pagtalakay at pinagsamang pag-analisa ng mga partikular na mga kamay, paghuli ng mga elemento na inoobserbahan ng iba o ang matrabahong pagtingin sa mga detalye na napansin ng iba. Ito ang paraan upang matutunan kung paano gumamit ng software at aralin ang pagpaplano ng iyong mga galaw nang maaga. “Kailangan mong malaman kung paano magplano hindi lang para sa pre-flop, kundi pati na rin sa lahat ng four streets, kailangan mong planuhin ang para sa pre-flop, flop, turn at river,” komento ni Sarwer at dagdag pa niya na ang pagsali sa mga komunidad ng poker players ay isang pagkakataon para magsimula kung wala kang mga kakilala na propesyonal na naglalaro ng poker. Ito ay isa lamang sa mga pakinabang ng patuloy na pag-aaral gamit ang internet – nagbibigay ito ng malalaking oportunidad.
Ang landas ni Jeff Sarwer sa paglalaro ng poker ay nagsimula matagal na panahon na ang nakalipas nung maglaro siya ng chess. Ang Kanadyano ay nanatiling manlalaro ng chess kahit sa poker table. Ang kanyang pilosopiya sa paglalaro ng mga baraha ay nakatuon sa stratehiya, pamamaraan, pasensya at pag-analisa. Ito ay tumulong sa kanya na maging isang napakagaling na manlalaro na nagbibigay ng magagandang payo at may kawili-wiling karera na aabangan.
Lahat ng Mukha ni Jeff Sarwer
Ang kuwento ni Jeff Sarwer ay talaga namang isang halimbawa ng ebolusyon ng isang kampeon sa chess na naging isa sa pinakamagagaling na poker players ng kanyang henerasyon. Mahalaga na tignan nang mabuti ang propesyonal na resume ng Kanadyanong manlalaro upang alalahanin ang mahalagang payo na binigay niya sa isang mamamahayag ng JohnnyBet sa isang panayam na naging isang manual para sa manlalaro ng poker.
Mga nilalaman
1. Ang manlalaro ng chess na namayagpag...