JohnnyBet.com tl

Tulong sa Poker

by JohnnyBet mula sa
Tulong sa Poker

Kung ikaw ay baguhan sa poker itong artikulo tungkol sa tulong sa poker ay tuturuan ka kung paano maging mahusay sa paglalaro.Sa loob ng ilang dekada, ang poker ay naging libangan ng mga taong may ekstrang pera para pumunta sa lokal na casino, o yung may mga kaibigan o pamilya na pwedeng makalaro sa bahay na may mapapanalunan na pera o kahit ano at ang gabay sa poker ay mahirap mahanap

Ngunit sa pagdating ng bagong millennium nagkaroon ng biglang taas sa interes ng tao sa online poker habang ang internet ay naging mas laganap, at ngayon ay may tinatayang higit isang daang milyon ang aktibo sa paglalaro ng online poker sa buong mundo.

At habang ang 5G at iba pang mga pagsulong sa teknolohiya ay mas pinapaganda ang mobile gaming, hindi kabaliwan ang isipin na ang dami ng mga players ay mas dadami pa!

Kung kaya wala nang mas magandang oras para magsimulang maglaro nitong kapana-panabik na laro ng baraha.

1. Ang Kasaysayan ng Poker

Ang poker ay unang nilaro sa Estados Unidos noong unang bahagi ng ika-19 na siglo, partikular na sa “deep south” at mga estados tulad ng Mississippi.

Ang mga manlalakbay na Pranses ang nagpakilala ng 52-card na uri ng laro sa mga Amerikano sa kalagitnaan ng siglo, habang ang flush combination ay idinagdag sa mga tuntunin ng laro.

Ito ay kumalat sa mga casino noong 1900s, kasama ang mga bagong uri ng poker na nagbigay dito ng kalamangan. Hindi nagtagal ay lumaki ang kompetensiya dahil sa World Series of Poker, na inilunsad noong 1970.

Di nagtagal ay pinalabas ang poker, at ito – nadoble ng pagsikat ng online poker – ay nakakita ng oportunidad para mas sumikat sa buong mundo. Mas maraming players mas malaking mapapanalunan, at araw-araw ay milyon-milyon ang maaaring makuha sa kahit anong panig ng mundo.

2. Mga Larong Poker

May iba’t-ibang bersyon ng larong ito, kung kaya’t dapat mong matutunan kung paano maglaro ng poker gamit ang partikular na titulo.

Ang Texas Hold‘em ay ang pinaka-gustong bersyon sa tournament play, at ito ay tipikal na makikita sa mga pelikula at telebisyon kung saan ang bawat player ay mayroong dalawang baraha at ginagamit ang lima sa gitna ng mesa upang makuha ang panalong baraha.

Mga Uri ng Poker Mga Detalye
Draw Poker Ang mga player ay bibigyan ng limang baraha
Stud Poker Ang mga player ay bibigyan ng parehong face-up at face-down na mga baraha
Community Card Poker Ang mga player ay bibigyan ng ilang baraha at hahaluan ito ng face-up na mga baraha na nasa mesa

Ganoon din sa Omaha, pero dito ang bawat player ay mayroong apat na baraha habang may limang community cards – ang hawak nila ay dapat binubuo ng dalawang baraha nila at tatlo sa gitna.

Sa Stud Poker, ang taya ay nangyayari sa mga baraha na may face-up at face-down cards, habang sa mga online casino ay maaari mong laruin ang mga titulo tulad ng Casino Hold’em – na kung tutuusin ay Texas Hold’em rin lang naman laban sa dealer. Kung ikaw ay pamilyar sa mga larong ito at mas gusto mo ng mas advanced na tips, tingnan ang aming masusing gabay sa poker.

3. Mga Tuntunin sa Poker

Habang binanggit na namin sa aming artikulo na ang mga tuntunin sa poker ay naiiba nang konti sa bawat laro, ang pangkalahatang ideya ng poker ay magkaroon ng mas mataas na score kumpara sa iyong mga kalaban. Gamit ang halimbawa ng Texas Hold’em, mula sa five-of-a-kind sa taas ng paytable papunta hanggang sa isang high card sa baba.

Sa Texas Hold’em, pwede kang gumamit ng dalawang hole cards at kahit anong kombinasyon ng community cards para sa iyong tira, at mayroong apat na betting rounds: isa kung saan ang lahat ng players ay makakakuha ng hole cards, pangalawa pagkatapos ng flop (tatlong community cards ang inaksyunan), ang pangatlo ay pagkatapos ng turno (ang pang-apat na community card), at ang pang-apat ay pagkatapos ng river (ang pang-limang community card).

Ang mga pwedeng aksyon ay calling – kapag ang kalaban ay gumawa na ng tawag, folding (kapag medyo hindi maganda ang hawak mo), raising (kapag alam mo na nasa magandang posisyon ka) o checking (nangyayari ito kapag gusto mong makita ang susunod na baraha pero hindi sigurado sa lakas ng iyong hawak).

Walang mga tuntunin laban sa bluffing o panlilito ng kalaban, at ito ang isa sa mga rason kung bakit popular ang poker – madalas, pwedeng manalo o matalo dahil sa mind games, at hindi lamang dahil sa lakas ng mga baraha na nakikita!

4. Help Sheet sa Poker

Kung mas madalas kang maglaro, mas matututo ka ng mga stratehiya at teknik sa poker katulad ng bluffing.

Sa umpisa, kailangan mong mag-focus sa hawak mong mga baraha at kung alin ang dapat ilatag, makatutulong ito upang matuto kang maglaro ng poker base sa halaga katulad ng kung kailan ka mag-fold, call, at iba pa.

Narito ang madaling gabay sa paglalaro ng poker:

Poker Hands Mga Detalye
Five-of-a-kind Lahat ng limang baraha ay may parehong bilang
Straight Flush Ang mga baraha ay konektado sa bilang at suit
Four-of-a-kind Apat na baraha na may parehong bilang
Full House Ang tatlo sa iyong mga baraha ay may parehong bilang, at ang dalawa ay isang pares
Flush Ang iyong limang baraha ay same suit
Straight Ang limang baraha ay numerically connected
Two Pairs Mayrron kang dalawang set ng matching cards
A Pair Dalawa sa iyong baraha ay parehong numero

Sa bihirang poker hands, ang high card ay pataasan katulad ng ace high. Kung ikaw naman ay nagsisimula pa lamang matutong maglaro ng poker, makakatulong sa iyo na basahin ang aming gabay sa mga baguhan sa poker!

5. Saan Pwede Mag-laro ng Poker?

May dalawang pagpipilian sa paglalaro ng poker online.

Maaari kang maglaro sa tournaments at cash games sa mga online poker sites, na mas maganda dahil mas malaki ang komunidad nito at maraming players kada araw.

Bilang kahalili, pwede kang maglaro ng poker sa online casino – ang mga video poker games kung saan ka makakahanap ng magagandang baraha, at mga laro tulad ng Casino Hold’em kung saan ka pwedeng maglaro laban sa dealer.

Ang parehong mga pagpipilian ay may online poker help, kaya ang mga bagong dating ay hinihikayat na subukan ang kung anuman na gusto nilang laruin.

Kung sa tingin mo ay hindi ka nalalayo sa propesyonal na player, tingnan mo ang mga advanced na stratehiya ni Jeff Sarwer at matuto tungkol sa mga kapaki-pakinabang na mga professional poker systems.

6. Ligtas Bang Maglaro ng Poker?

Ang karamihan sa mga online poker sites at casinos ay gumagamit ng mahigpit na seguridad sa kanilang mga website – katulad ng seguridad ng Amazon. Isa ang Melbet sa mga top betting sites sa Pilipinas. Gamitin ang kanilang Melbet Promo Code 2025 para makuha ang iyong bonus package kung ikaw ay bagong player!

Ang payment mechanics ay siguradong ligtas din, at pwede kang gumamit ng iba’t-ibang payment methods tulad ng Visa, MasterCard, Maestro, Skrill, Neteller, at PayPal na nagbibigay ng ekstrang proteksyon.

7. Legal Ba Ang Online Poker?

Ang lahat ng bansa ay mayroong sariling batas pagdating sa legalidad ng online poker. Ang online poker ay legal sa UK, habang as USA ay pwede lamang laruin ito sa New Jersey, Nevada, at Delaware. Ang mga taga-Canada ay maaaring mag-enjoy din sa paglalaro ng online poker tulad ng mga nasa Ireland, South Africa, at New Zealand. Ngayon, dito nagtatapos ang aming gabay upang mabigyan ka ng tulong sa poker at hiling namin na gagamitin mo ito nang tama sa paglalaro.

comment TulongSaPoker
Comments (0)
Maglaro nang responsable 18+