JohnnyBet.com tl

Panayam Kasama si Roberto Carlos

by Guillem Balagué mula sa
Panayam Kasama si Roberto Carlos

Ang alamat na si Roberto Carlos ang aming espesyal na panahon sa SBC Summit doon sa Barcelona. Binahagi nya ang kanyang mga karanasan at opinion sa laro sa kanyang panayam kasama si Guillem Balagué. Sa usapang ito, tinanong ni Guillem Balagué si Roberto tungkol sa mga panahong siya pa ay naglalaro at maging sa kanyang opinyon sa mga kasalukuyang nangyayari sa mundo ng football. Binalikan ni Carlos ang taong 1997 kung saan siya sumikat sa kanyang free kick sa laro nila laban sa France, sinabi niyang magkaiba ang pakiramdam sa Real Madrid noon at ngayon. Pinag-usapan din nila kung ano ang mga kasalukuyang pinagkakaabalahan ni Carlos. Nagsalita rin siya tungkol sa paparating na mga laban para sa Ballon d’Or at sa Real Madrid. Pakinggan natin ang kaaya-ayang panayam at kilalanin natin ang tinaguriang “master of the left-wing” nang mas mabuti.

Basahin ang transcription nito sa iba't-ibang wika:

 

Guillem Balagué:

Magandang araw, nasaan ka ngayon Roberto Carlos?

Roberto Carlos:

Magandang umaga. Nasa Madrid ako ngayon. Alam mo naman, nagtatrabaho ako bilang embahador para sa Real Madrid. Sa katapusan ng linggo, pupunta kami sa Sevilla, tapos doon ay pupunta kami sa Braga at sa huli ay sa Barcelona. Mahalaga ang linggo na ito.

Guillem Balagué:

Sa totoo nga, una nating tatalakayin ang pinaka-importanteng laro sa taon na ito. Tama bang sinabi kong ito? Ang Clásico ba ang pinaka importante?

Roberto Carlos:

Hindi ko sasabihing ito ang pinakaimportante kasi lahat ng laban ngayong taon ay importante lalo na sa koponan na katulad ng Real Madrid. Pero maliwanag naman na ito ang maging batayan para sa taong ito. Ang laban na ito ang nagbibigay lakas sa aming mga manlalaro para ipakita ang kanilang angking galing.

Guillem Balagué:

Gusto mo pa bang maglaro ngayon? Pwede ba tayong bumalik sa mga panahong naglalaro ka pa? Gusto mo ba iyon?

Roberto Carlos:

Aba’y oo naman, tara!

Guillem Balagué:

Saan tayo magsisimula? Simulan natin sa mga naiskor mo na goals. Nakapagtala ka ng tatlong goals sa Clásico, tama ba?

Roberto Carlos:

Oo, tatlong goal. Ang una at dito sa Santiago Bernabéu. Ang pangalawa ang yung tira ko sa labas ng box. At ang pangatlong naiskor ko… Teka lang iisipin ko… Isa rin yon sa mga pagkakataon na nanalo ako laban sa Barcelona – yung pasa galing kay Zizou at nagawa kong maka iskor ng goal galling dun.

Guillem Balagu:

Sinulat ko dito na nagawa mong maka iskor ng goal sa Bernabéu at isa pa doon sa Camp Nou.

Roberto Carlos:

Oo.

Guillem Balagué:

Dalawang mahuhusay na goals. Pero yung pangatlo, ikaw lang mag-isa ang umiskor ng goal na iyon.

Roberto Carlos:

Hindi, hindi ko lang goal iyon. Nakita ko ang bola na para kay Samuel Eto'o at habang tinitingnan ko yun, hindi ko nakita na paparating pala si Iker. Sa huli, kaming dalawa ang nakatutok sa bola at si Eto’o.. Aba, malapit na akong makapasok sa gawang pero si Eto’o ang naka iskor ng goal.

Guillem Balagué:

Sige, hindi natin isasama yun sa bilang.

Roberto Carlos:

Hindi natin ito pwedeng bilangin bilang sariling goal ko lang.

Guillem Balagué:

Tama. Kapag sinabing Clásico, anong mga ala-ala ang sumasagi sa iyong isipan? Kapag naiisip mo ba ng Clásico, ano ang una mong natatandaan – yung papalabas ka para maglaro, yung ingay, o yung tension sa loob? Anong sumasagi sa iyong isip?

Roberto Carlos:

Halo-halo na kasi. Para makapaglaro ka noon, kailangan mong maghanda ng maigi sa buong lingo, kahit na may laban ka sa Champions League. Pero kung ang kalaban mo ay Barcelona, iba kasi ang motibasyon. Iba ang preparasyon. Mas madali kung naglalaro kami sa Santiago Bernabéu. Kung sa Barcelona naman kami maglalaro, palaging iba ang pagsasanay kasi hindi mo alam kung paano maglalaro si Barca. Kung siya ba ay maglalaro bilang opensa o depense, kung nasa kanila ba ang bola, o ibibigay nila ito sa iyo para ikaw naman ang umatake. Talagang mahirap maglaro kapag Barcelona ang kalaban. Laging komplikado pagdating sa koponan na yun kaya iilan lang ang panalo namin sa Barcelona. Kaunti lang ang bilang na nanalo kami doon, pero sa Bernabéu at sa labing-isang taon na naglalaro ako dito,isang beses lang kami natalo. Hindi ko alam kung natatandaan mo pa yung napakahusay na laro ni Ronaldinho.

Guillem Balagué:

Mhm.

Roberto Carlos:

Ang dali lang kasing manalo dito, pero kapag nandoon ka, parang laging komplikado. Pero ang paghahanda naming ay espesyal. Galing ako sa panahong si Luis Figo pa ay naglalaro para sa koponan ng Barcelona at talagang pinaghahandaan ko yun. Halos hindi na ako makatulog kakaisip kung paano ako makaka-iskor sa kanya. Para sakin, mahirap yun kasi si Figo ang pinakaimportanteng manlalaro sa panahon niya.

Guillem Balagué:

At nung araw na nalaman mong lilipat pala siya sa Madrid, nakahinga ka ba malalim?

Roberto Carlos:

Palagi kong sinasabi na lubos akong nagpapasalamat sa president naming si Don Florentino Peréz sa pagkuha kay Figo upang makipaglaro sa amin.

Guillem Balagué:

Ang sabi mo natatandaan mo pa ang laro laban kay Ronaldinho. Natatandaan namin yung lahat. Akala ko naging makakalimutin ka na at tuluyan mo nang kinalimutan ang mga pangit na ala-ala. Pero kung naaalala mo pa ang lahat, baka natatandaan mo pa na pinalabas ka sa laro ng isang beses.

Roberto Carlos:

Sa tingin ko dalawang beses iyon sa Barcelona. Una sa ika-anim na minuto at isa naman sa ika-dalawampung minuto, tama ba?

Guillem Balagué:

Mhm.

Roberto Carlos:

Pero hindi ko rin maintindihan ang rason kasi pinaghandaan ko mismo iyon ng isang buong linggo para makapaglaro sa ganoong lebel. Hindi ko alam kung ano ang mga preparasyon ng mga reperi para sa larong yun o para magdecision na paalisin ang isang manlalaro o hindi patawan ng parusa. Pero tao lang tayong lahat, wala akong problema sa reperi na nagpaalis sakin. Ngayon minsan nasasalamuha ko ang iba sa kanila, tuwing may laro sa Champions League, humihingi naman sila ng paumanhin sa akin. At maayos naman ang pakikisama ko sa kanila, kasi sa bandang huli, ang mga desisyon na iyon ay baka isa sa mga bagay na sadyang mahirap lang intindihin sa mga oras na yon. Sa mga laban sa Clásico, kapag madalang mong nakikita ang mga reperi, mas maganda. Nakikita kasi ng lahat ang mga mali ng manlalaro na nag-eensayo sa buong lingo para sa laro at biglaan lang matatapos sa ika-dalawampu o ika-anim na minuto. Minsan mas mabuting makipag-usap nalang sa manlalaro, para maiba naman ang desisyon para sa ganitong lebel ng mga laro. At meron din namang mga reperi noong mga panahong iyon na mas gustong maging bida kesa sa mga manlalaro at hindi ko yun nagustuhan.

Guillem Balagué:

Kaya ba ang hinihingi mo sa mga reperi ay pang-unawa na sana maintindihan nila na ibang klase ang larong ito. Kung iisipin mo, kasing layo ang nararating ng utak mo ng halos ilang libong milya ang nararating ng puso mo. At kung ang desisyon sa ganitong kalibre ay ipapataw, told nalang ng pagpapaalis sa isang manlalaro ng may dalawang yellow card dahil sa pagkikipagsagutan halimbawa, ay dapat muna nila pag-isipan ng mabuti, tama?

Roberto Carlos:

Tama. At wala naman akong nakikitang oportunidad na maka-iskor sa ganun na paraan. Ito ang mga kalimitang mga sagutan na makikita mo sa laro sa pagitan ng manlalaro at reperi na may magkasalungat na nakita. Meron naming ibang referi na talagang mahusay sa kanilang trabaho laho na sa mga laro sa ganitong lebel. At meron din namang iba na talagang may kinikilingan laban sa iyong koponan na ayaw man lang makipag-usap sa manlalaro. Hayaan mong magbigay paumanhin ang manlalaro dahil sa isang possibleng tackle o pagsaway ng kamay sa loob ng laro. Sa tingin ko naman lalong gaganda pa ang football. Sa kapanahunan ko, talagang nahirapan ako dahil sa bilis ko. Palagi akong tumatakbo para habulin ang bola. Pero sa huli, ang pinakamagandang nangyari sakin ay yung nakaalis ako sa Brazil at makapaglaro sa Clásico. Pangarap ko talagang maglaro sa ganitong lebel, ang ipanalo ang Champions League o maging pambansang kampeon. Mas mabigat yun kaysa sa pulang kard.

Guillem Balagué:

Sa madaling salita, mas importanteng alam mo kung paano mo kokontrolin ang iyong emosyon sa Clásico. Sa tingin ko habang tumatanda ka mas lalo kang gumagaling. Ngayon ang babata ng mga manlalaro. Malamang may mga manlalarong hindi pa alam kung paano yun gawin, tama? Baka may kilala kang ganoon sa Barca o sa Madrid.

Roberto Carlos:

Oo naman, sabi ko nga, napaka-espesyal ang larong ito. Gayundin ang preparasyon ng isang manlalaro. Sa lagay naman ng mga reperi, uulitin ko, wala akong alam dun. Pero sa ganung klase kasi ng laro kailangan mong mag pakitang gilas. Yung publiko pumunta sila para sa mga goals at tira. Lahat ng nakapalibot sa Madrid-Barca o Barca – Madrid, dapat alam na nila kung paano gawin yun kasi nanood lahat ng tao, lahat ng atensyon ay nakatuon sa larong ito. Yan ang kanilang binayaran – ang makakita ng mga mahuhusay na manlalaro, mga manlalarong kilala na sa larangan. Kung gaano man ito ka importante para sa mga manlalaro, ganun din yun para sa mga tagahanga. Gusto ng lahat Makita ang Madrid-Barca kasi ito ang pinaka-importanteng laban ngayong taon. Hindi man para sa ibang manlalaro, at ibang sa ibang koponan dahil nanalo sila kapag nasa kanilang mga balwarte o kaya naman sa ibang mga koponan na gusting makapasok sa liga. Dahil sa huli, hindi naman ang Real Madrid-Barcelona ang magdidikta sa laro ng buong taon. Nakabatay ito sa kung ilang puntos ang kaya mong kunin sa ibang koponan o ‘di kaya manalo sa sarili mong lugar at sa iba.

Guillem Balagué:

Marami kang kaibigan dito na iba-iba ang kalidad ngunit may isang nakakamangha para sa akin. Ang tinutukoy ang iyong pakikipagkaibigan kay David Beckham. Hindi ka nagsasalita ng Ingles at hindi rin siya nagsasalita ng Espanyol, ngunit napakahusay ang koneksyon ninyong dalawa. Kwentuhan mo nga kami tungkol kay David at inyong pagkakaibigan at kung paano kayo nagsama sa mga laro doon sa Clásico. Hindi ko alam kung paano mo ito pinaintindi sa kanya o paano mo ito ginawa.

Roberto Carlos:

Yung kaibigan kong si David.. Alam ng maraming tao kung anong klaseng relasyon meron kami at kita naman yun sa maraming mga nalathalang dokumentaryo. Pagdating naman sa pagkakaiba ng lingwahe, tingin palang alam na naming kung ano ang aming gagawin. Talagang totoo ang pagkakaibigan naming. Nung pumirma siya para sumali sa Real Madrid, isa ako sa yumakap at sumalubong sa kanya. Sa totoo lang, isa siya sa matalik kong kaibigan at isang napakahusay na manlalaro ng football. Maraming taong nagsasabi na si Beckham ay parang imahe para sa aming koponan, pero isa siyang magandang ehemplo, pinuno at mabuting tao. At maraming tao din ang hindi nakakaalam sa totoong David Beckham. Maswerte ako at nabigyan ng pagkakataon na makapaglaro kasama siya sa mahabang panahon. Kasama na doon ang pagsasanay niya dito sa Madrid at kasama ang kanyang pamilya sa bahay. Ito ang tunay na pagkakaibigan ng dalawang tao na galing sa magkaibang bansa at kultura ngunit maganda ang kinalabasan. Sa tuwing nakikita ko siya sa Madrid, masaya akong nakikita siyang masaya. Ngayon siya na ang president ng Inter Miami. Pero kaibigan ko pa rin siya. Talagang nagagalak akong malaman na kung ano man ang respeto at malasakit na nararamdaman ko para sa kanya ay ganun din siya sa akin.

Guillem Balagué:

Ngayon may manlalaro na naman na galling Inglatera na kakaiba ang kalibre at personalidad – Jude Bellingham, na sa edad na 20, ay ginulat ang Madrid at laman ng bawat sigawan ang kanyang pangalan. Nagulat ka ba kung gaano siya kabilis bumagay? Anong masasabi mo tungkol sa kanya?

Roberto Carlos:

Talagang espesyal kapag may nakikita kang taga ibang bansa na babagay sa koponan dito.Sa Real Madrid, nandito nako taong 1996 pa, ganito din ang klase ng pagtanggap nila sa akin - Fernando Hierro, Fernando Redondo, Manolo Sanchís, Paco Buyo at marami pang iba. Sa panahon ko naman, ganun ang ginawa naming kina Seedorf, Mijatović at iba pang mga manlalaro. Hanggang ngayon na embahador na ako, ganun din ginawa naming kina Rodrygo, Vini, Jude, Courtois, sa lahat ng mga batang manlalaro na sumali sa amin na hindi alam kung ang mentalidad ng aming koponan sa una. Pinapadali naming ang buhay nila. Pinapaliwanag namin kung ano ang kultura dito sa Real Madrid, na dito kailangan nating manalo parati at dapat mabilis kang makapag-adjust. Hinahayaan naming silang making sa mga beterano. Pinapakita ni Bellingham kung sino talaga siya. Siya ay isang makabagong Ingles, mahusay na manlalaro at isang taong gustong matuto. Nung isang araw sinabi nya sa isang panayam na gusto niyang maglaro sa ilalim ng aming koponan ng labinlimang taon pa. Para samin, na andito na ng napakatagal, masarap pakinggan yun galing sa isang batang manlalaro na ganun ang potential at personalidad. Ang bilis niyang nakibagay. Sa tingin ko naman napakasaya ng mga tagahanga ng Real Madrid sa kanya. Tingnan mo naman kung ilang laro na ang kayang sinalihan at laging siya ang itinuturing na pinakamahusay na manlalaro doon. Pero dapat hindi natin kalimutan, dito sa Real Madrid, hindi lang isang tao ang bumubuhay sa amin. Pamilya kami dito.Sa Real Madrid, lahat gustong manalo ng sama-sama. Sama-sama din kaming matatalo,syempre, pero meron talagang isang manlalaro na magiging batayan para sa tira man o pasa. Pero yang ang espesyal sa Real Madrid. Dito kasi lahat kami nagtatrabaho ng maigi para pasayahin ang aming mga tagahanga. Talagang napakahusay ng koponan na ito.

Guillem Balagué:

Roberto, sa tingin mo maihahalintulad mo ba si Jude kay Zidane? Sa tingin ko may hawig ang kung paano sila mag laro, tama ba?

Roberto Carlos:

Lahat ng tao may sariling istilo ng paglalaro. Halimbawa, medyo hawig ang istilo ko kay Marcelo pero mas magaling si Marcelo kesa sa aking. Kung kasing galing ko si Marcelo, marahil ako ang tatanghaling pinakamagaling na manlalaro sa buong mundo sa loob ng maraming taon. Pero si Bellingham… hindi ko alam sa totoo lang. Parang halo-halo siya ng iba’t-ibang manlalaro, minsan para siyang si Zizou, minsan naman para siyang si Raul o minsan ang katalinuhan ni Fernando Redondo. Palagi ko talagang sinasabi na lahat ng manlalaro ay may sariling istilo. Kaya naman nasabi ko na talagang parang halo-halo ang kanyang istilo. Marami siyang magandang katangian.

Guillem Balagué:

Sa kabilang dako naman tayo, sa Barca, tingnan natin kung aabot ba si Robert Lewandowski sa laro at kung oo, magiging malaking banta ba siya, hindi ba?

Roberto Carlos:

Hindi ako nakasisiguro. Sa totoo lang, may mga manlalaro, may mga koponan at may mga laban. Depende na talaga yun. Ang maganda lang sa bawat manlalaro, lalo na sa mga manlalaro ng Madrid na dumating ngayon sa Madrid, ay paparami ng paparami ang napanalunan nilang mga laro. Tingnan mo naman kung paano sila mag laro. May puwang pa para sila ay gumaling pa, bata pa sila, lalo na sa mga bagay-bagay. Natatandaan ko nung dumating ako sa Madrid nuong ’96, ’97. Gusto ko agad maglaro. Gusto ko maglaro ng abot sa aking makakaya. Ngayo alam na nilang lumalago sila sa bawat laban at makikita mo naman na sa mga importanteng laban ang kalidad ng isang manlalaro.

Guillem Balagué:

Ano sa tingin mo ang Barca sa ngayon? Minsan kasi may impresyon na mas importante ang resulta kesa sa laro mismo. Pero talaga namang nangingibabaw parin sila.

Roberto Carlos:

Meron naman talaga palaging katunggali na minsan magaling o minsan naman panget maglaro. Mayroon silang sariling kasaysayan. Ito ay isang koponan na nirerespeto sa buong mundo. Mahirap magsalita kapag nasa labas ka. Nakikita naman natin sa balita, malas nga, na marami sa kanilang manlalaro ang nasaktan. Hindi natin gusto iyon. Nangyari nadin yan sa amin kay Militão, Courtois at Veni na nabalian din kamakailan lang. Ngayon naglalaro na at bumabalik na ang lumang Vini. Tinuturing naming karibal ang Barcelona at talagang marapat lang na respetuin namin ang koponan nila.

Guillem Balagué:

Narinig ko rin na tagahanga ka raw ng Premier League, o tagasubaybay kumbaga. Ano ang nagustuhan mo don?

Roberto Carlos:

Nagustuhan ko talaga ang mga tagahanga na talagang nararamdaman mo tuwing may laban. Hindi importante kung Liverpool, Chelsea, United, City o anumang laban – aktibo parati ang madla. Isa pang importanteng bagay ang yung pag-ere ulit ng mga laro kung saan nandoon ang mga dating manlalaro at iba pang tao na nakakaintindi ng laro. Hinahalo nila ang pamamahayag at kaalaman ng mga dating manlalaro, na talagang nagustuhan ko. Dahil dun, ang mga tagahanga tuwing half-time.. tuwing may laban, half-time at maging pagkatapos ng laro, ay mas naiintindihan ang laro ng kaunti. Nagbibigay naman ng opinyon ang mga eksperto, yung iba ay galing sa loob at iba naman ay galing sa labas, at talagang nakakatulong ito para mas maintindihan ito. Sa madaling salita, pinapakita ng Premier League kung ano talaga dapat ang makabagong football. Andon na lahat ng kailangan – pag-ere ng mga laro, mga tagahanga, ang komunidad, mga masinsinang pag-uusap at maging ang buong paligid. May ginagawa nadin kaming ganyan sa Espanya sa ngayon at nagustuhan ko talaga iyon.

Guillem Balagué:

It's a pleasure to know that an insider, the legendary footballer like you, understands that it's all a show. Everything is part of the show, that we are all part of the show. Ang sarap talaga makipag-usap sa taong may-alam sa pasikot-sikot sa loob, isang maalamat na manlalaro na tulad mo, ay naiintindihan talaga na isa itong malaking palabas. Lahat ng mga ito ay parte ng palabas at tayong lahat ay parte din ng palabas.

Roberto Carlos:

Oo…

Guillem Balagué:

At…

Roberto Carlos:

Sige, sige, ikaw na.

Guillem Balagué:

Gusto ko lang itanong, pagdating sa laro, ano sa tingin mo ang pinagkaiba ng Premier League at sa mga laro sa Spain? Ano ang pinakamalaking kaibahan?

Roberto Carlos:

Sa tingin ko malaki lang talaga ang pinagbago ng football sa England. Natatandaan ko lang noon ang football doon ay nakabasa lang sa puro atake.Ngayon makikita na natin ang mga manlalaro na kinokontrol ang pasa, mabilisang laro at matinding laro. Gusto ko talaga yun. Iyon ang batayan ng football sa Spain noon pa – ang tindi at dami ng oportunidad na maka-iskor ng goal. Maliban sa ilang mga laro, makikita mo talaga sa talaan at alam mo namang hindi talaga ako naniniwala doon. Wala kaming paki kung ang resulta ay 1-0 o 0-1. Talagang malaking pagbabago ang nangyari sa mga nakaraang taon at ito ay nangyari dahil sa mga tagahanga na gustong makakita ng maraming goals mula sa kanilang mga idolo. Yan ang ebolusyon ng makabagong football.

Guillem Balagué:

Sa totoo nga, marami kang makikitang klase ng istilo sa paglalaro doon sa English League. Magkaiba ang istilo ni Klopp at Guardiola, magkaiba din ang istilo ni Mikel Arteta at Ange sa Tottenham. Alin sa mga istilong iyon ang gustong-gusto mong panoorin?

Roberto Carlos:

Kay Ancelotti. Kung titingnan mo ang Liverpool na pinangunahan ni Klopp, ang istilo nila ay halos kahawig ng sa Real Madrid. Ang mga mas batang coaches ay mas depensibo, mas gusto nila ang maglaro laban sa mga atake. Sa kaso naman ng mga coach na marami nang karanasan, wala silang pakialam doon. Hinahayaan lang nila maglaro ang kanilang koponan at kung mayroon man na hindi magandang nangyari ay alam na nila kung paano baguhin ang kanilang mga paglalaro para mas maging depensibo. Nakadepende talaga to sa bawat coach at sa tingin ko, dito sa Madrid, may batayan kami para sa pang-world class na lebel. Nanalo na si Ancelotti ng maraming laban. Isa siya sa mga coach na kayang manalo dahil wala siyang pagkukulang, hindi niya sinabi na “mananalo kami ng 2-0 dahil dito o dahil doon”. Kino-kondisyon niya ang kanyang koponan na kung mananalo man tayo, wala tayong babaguhin, pero kung matatalo man tayo babaguhin natin ito at alam ng kanyang koponan kung anong dapat gawin. Iyon at ang magandang samahan sa kanilang koponan.

Guillem Balagué:

Muntik ka na bang mapasama sa Aston Villa?

Roberto Carlos:

Dati yun, sa tingin ko mga 20 o 21 ang edad ko noon. Nagsimula kami sa Aston Villa nung napili ako para maglaro sa pambansang koponan ng Brazil. At tsaka sa Chelsea noong 2007 pagkatapos kong umalis sa Real Madrid. Nagkaroon ako ng oportunidad na maglaro sa Inglatera at kinausap ko si Abramóvich tungkol sa sitwasyon ko. Yun nga lang hindi kami nagka-intindihan sa mga maliliit na bagay. Kaya oo, ang Aston Villa at Chelsea ang mga koponan na nagka-interes sa akin.

Guillem Balagué:

May partikular ka bang tinitingnan sa mga fullbacks at kung paano sumikat ang fullbacks sa Premier League? May mga manlalaro ka bang nagustuhan?

Roberto Carlos:

Lahat sila. Pero lahat sila ay hindi kasing aggressibo sa openseba katulad ko at ni Cafu noon. Maraming klase kasi ng full-backs sa parehong kanan at kaliwang banda ng laro. Yung ibang koponan ay mas opensibo at yung iba naman ay mas depensibo pero sa huli, wala paring katulad si Roberto Carlos. Magaling sila, halos lahat sa kanila ay naglalaro para sa pambansang koponan, at mayroong isang mula sa kaliwang banda na mula sa pambansang koponan ng England…

Guillem Balagué:

Trippier.

Roberto Carlos:

Tama. May makikita tayong pagbabago. Hindi ko kayang maglaro sa kanang bahagi pero si Trippier, sa makabagong football, ay kayang maglaro sa kaliwang bahagi. At talagang maganda ang kanyang personalidad. Lahat ng mga fullback na manlalaro ay magaling. At sana papadalhan nila ako ng mensahe na, “Salamat sa pagbanggit sa amin”, dahil kung isa lang ang aking babangitin at kinalimutan ko yung iba, makakatanggap ako ng mensahe na baka hindi ko raw sila gusto.

Guillem Balagué:

Gusto ko lang usisain kung ano ang opinyon mo dito. Halimbawa, si Cancelo na dating angkop sa Manchester City ay nasa Barca na ngayon. Isa siya sa mga full-backs na nagbago at naging midfielder na tuwing aatake sila. Pumapagitna siya at minsan parang ang posisyon niya sa laro ay siyam. Minsan ganun karin noon, ikawang naka posisyon sa tatlo, ngunit naglalaro karin mula sa gilid at gitna ngunit kadalasan sa pundasyon. Sa tingin mo gugustuhin mo bang maging parte ng kung paano sila maglaro bilang isang full-back, o isang midfielder na palaging may hawak ng bola?

Roberto Carlos:

Hindi ako magaling sa bola. Kaya't palagi kong pinapasa kay Zizou, Beckham o Figo. Madalas akong maglaro nang walang bola. Si Marcelo ang may gustong maglaro bilang full-back, midfielder, o winger. Ang ginagawa ko ay pinipilit kong harangan ang midfielder sa kaliwang bahagi at iniwan ko ang buong flangko para makatakbo ako, dahil gusto ko maglaro nang maraming beses na walang bola.

Guillem Balagué:

Tingnan natin nang malapitan ang pinakamahusay na lebel ng football sa mundo at ang ibibigay na Ballon d'Or ngayong ika-30 ng Oktubre. May dalawang malinaw na paborito - si Messi at si Haaland. Kanino mo ibibigay ito?

Roberto Carlos:

Mahirap sabihin dahil kahit magsalita pa ako, hindi naman ito magbabago. Sa huli, hindi ko desisyon iyon. Maari akong magbigay ng aking opinyon, pareho silang mahusay na manlalaro, si Messi at si Haaland. Nawa’y manalo kung sino ang mas magaling sa dawala. Si Messi ay si Messi. Siya ang nagtatag ng pamantayan para sa lahat ng mga kabataang manlalaro na nais sumaya sa loob ng laro. Talagang mapapansin ng lahat si Leo. Si Haaland naman ang nagtatag ng pamantayan para sa City, maliban lang sa pambansang koponan ng Norway dahil sa nangyari sa laban nila sa Spain. Ngunit si Haaland ay isang modernong ataker, napakalakas, at mahusay umiskor ng marami. Kung gusto ng mga tao na makakita ng laro ng maraming iskor sa Premier League, panoorin nila ang City. Magiging isang nakakakaba at masayang laban ito ng karanasan laban sa kabataan. Nawa’y manalo kung sino ang mas magaling sa dawala.

Guillem Balagué:

Ilang beses ka nang tinanong hinggil sa free kick nung laban ninyo sa France noong 1997?

Roberto Carlos:

Maraming beses na.

Guillem Balagué:

Natatandaan ko pang nung huli nating tinalakay ito. Halos umabot tayo ng 45 minuto ng ito lang ang pinag-uusapan. Sa lahat ng sinabi mo sa akin, ang talagang tumatak ay ang desisyon mo kung paano mo nilagay ang bola.

Roberto Carlos:

Oo.

Guillem Balagué:

Ikwento mo nga ulit sa akin.

Roberto Carlos:

Depende kasi yun sa pagsasanay, kahit bata kayang matutunan iyon. Wala itong kinalaman doon. Ang pinakaimportanteng bagay ay iyong paa na sumusuporta at ang tira mismo. Hindi na importante kung paano mo nilagay ang bola. Palagi ko lang nilalagay yung balbula na nakaharap sakin kasi akala ko gumagalaw ang bola sa harap ng goalkeeper. Pero ang tanong ay paulit-ulit pa rin – paano ko ginawa iyon? Hindi ko alam. Talagang puno ng kaalaman ang araw na ito.

Guillem Balagué:

Sinubukan mo na bang ulitin iyon? Nagawa mo ba?

Roberto Carlos:

Oo maraming beses at talagang hindi ko na nagawa.

Guillem Balagué:

Iyan ay interesante. May mga dalubhasang pag-aaral na ba na sinubukan ipaliwanag kung paano ito nangyari? O may dapat bang makuha na paliwanag para magaya ito ng mga mas bata pang manlalaro?

Roberto Carlos:

Wala. May narinig akong mga tao na sinubukan talakayan ang siyensya sa likod nito, paano gumalaw ang bola ng ganun, tungkol sa aking paa, at maging sa galaw ng kaliwang paa ko. Pero ako lang talaga yon at nagawa kong maka iskor ng goal. Ako mismo hindi ko alam kung paano ko yun ginawa kaya maging ang siyensya nahihirapan ipaliwanag iyon. Marami na akong nakitang litrato at bidyo at talagang kamangha-mangha ang ginawa ng bola ko doon. Talagang umalpas pa siya sa bakod. Sa tingin ko nakatulong din ng kaunti ang hangin na napalipad ko ang bola patungo sa net.

Guillem Balagué:

At yan ang kagandahan ng football. Isa siyang malaking misteryo at kaya tayo nahuhumaling sa larong ito, tama ba?

Roberto Carlos:

Yan talaga ang football. Isa itong espesyal na isport at kami, na talagang trabaho na namin ito, ay palaging may bagong natutunan araw-araw. Talagang kakaiba ang football.

Guillem Balagué:

Pakiramdam mo ba na ang mga manlalaro na katulad mo, na minsan hinahayaan ang intuwisyon at maraming beses nang sumakto naman sa sitwasyon, na maramil mas mababa ang pinag-aralan pero mas puno sa natural na talent, na ang ganitong pamamaraan ay nawawala na?

Roberto Carlos:

Posible. Pero marami ang nakadepende sa mga coach. Nakita ko ito noong naglaro ako para Madrid, at kahin noong kapanahunan ko pa. May mga coach na mas gusto ang taktika habang may iba naman na mas pinipili ang purong lakas. Nakadepende din yan sa bawat indibidwal. Bawat isa ay mayroong sariling pamamaraan. Sa tingin ko hindi na magbabago ang Madrid, dahil na din sa kasaysayan ng koponang ito. Hindi naming istilo ang mas marahan na paglalaro ng football at mas depensibong sistema. Bawat koponan at bawat coach ay may sariling pilosopiya, kilalang-kilala ko na ang koponang ito. Dito ako nagtatrabaho at alam kong hindi mawawala ang diwa ng makabagong football, na mabilis, maraming dribol, maraming diskarte, maraming takbuhan, dahil gusto ng mga tao ng palabas at kakaiba dito sa Bernabéu.

Guillem Balagué:

Yung mga kasama mo, nung panahon na nanalo ka ng mga titulo, ay mga coach na o di kaya tagapag desisyon na sa mga importanteng posisyon. Pero doon lang tayo sa mga coach, sino pa sa tingin mo ang may tsansa na tumahak sa landas na ito? Kung iisipin, talagang nagtagumpay si Zidane. Na-sorpresa ka ba rito o hindi?

Roberto Carlos:

Hindi naman. Dahil noong maglalaro pa si Zizou, talagang kalmado lang siya at marami siyang natutuhan sa laro. Siyempre, bilang isang coach, meron na siyang karanasan, diba? Champions League, La Liga, Super Cup, Intercontinental, sa madaling salita hindi na ako nagulat kasi hinihingan na talaga siya ng payo sa loob at labas ng laro. Alam na niya pano na mamuno sa silid-palitan palang. At sa tingin ko, ang karanasan niya kasama si Ancelotti ay talagang nakatulong sa kanya – kailangan din natin pahalagahan siya bilang isang coach. Kaya magandang kombinasyon talaga na nanalo siya ng maraming titulo.

Guillem Balagué:

Sino pa? Si Raúl?

Roberto Carlos:

Si Raúl ay nasa tamang landas na sa Castilla. Kilalang-kilala na niya ang kasaysayan ng koponan, nanalo na siya ng kampeonato doon. Ang nag-iisang pagkakataon na nanalo ang Madrid sa Youth League ay noong nandoon si Raúl. Ngayon nagtuturo na siya sa mga batang koponan ng Real Madrid kung paano nila dapat makita ang mga sarili nila sa laro. Isa siyang tao at coach na tiyak na magtatagumpay dahil gusto niya manalo palagi.

Guillem Balagué:

Hindi natin kukumbinsihin si Figo na mag-coach tama?

Roberto Carlos:

Hindi, mas mabuting huwag na nating pag usapan si Luis, kasi si Luis ay… katulad ko.

Guillem Balagué:

Siyempre, nagsasanay ka pa rin dba. Ano ang mas gusto mo? Pagsasanay o kapag andon ka sa opisina? O yung trabaho mo bilang embahador?

Roberto Carlos:

Talagang nakaka-aliw maging isang embahador. Mas madalas na akong magtrabaho ngayon kung ikukumpara sa panahong naglalaro pa ako. Pagkatapos ay dalawang oras ng pag-eensayo at pagkatapos ay naglalaro naman ako sa katapusan ng linggo. Kanina, alas 8 palang ng umaga ay nakahawak na ako sa telepono baka sakaling may tumawag at kailangan ng kinatawan mula sa Real Madrid. Ito ang palagi kong biro, pero masaya ako bilang embahador ng Real Madrid, at magkwento tungkol sa mga karanasan ng koponan, at gumala kasama sila. Yung mga litrato na hindi nakukuha ni Emilio, ako ang kumukuha doon. Talagang masaya ako at nagpapasalamat sa aming presidente na dinala niya ako rito.

Guillem Balagué:

Oo nga pala, si Ronaldo ay presidente at may-ari ng isang koponan sa football. Naisip mo din ba iyon?

Roberto Carlos:

Dalawang koponan, ang Cruzeiro at Valladolid. Noon paman nakitaan ko na ng potential na maging presidente si Rony kasi noon paman gusto na niyang matakda bilang presidente. Makikita mong numero uno siya sa loob at labas ng laro, at kahit na nasa ikalawang dibisyon siya, talagang pinabuti nya ang sitwasyon ng Cruzeiro at Valladolid. May dala rin siyang makabagong pamamaraan at kasama na doon ang lahat ng karanasan na meron siya. Nakapag-patayo siya ng bagong istadyum, isang modernong syudad ng palakasan… Sa madaling salita, talagang espesyal si Rony.

Guillem Balagué:

Nanalo ka na ng World Cup kasami si Ronaldo at ang pakiramdam ng tagumpay sa World Cup… Kapag nangyari yun, natural ubod ka ng saya. Pero sa pagdaan ba ng panahon, mas pinapahalagahan mo ba yung pakiramdam na nanalo ka?

Roberto Carlos:

Oo naman. Kapag tumigil ka na sa paglalaro ng football, doon mo lang malalaman na ang dami mo na palang nagawa. Kahapon lang, kausap ko yung kaibigan ko dito sa Madrid, tinanong niya ako ano ang pakiramdam na manalo sa Champions League, manalo sa World Cup, manalo sa Intercontinental. At paliwanag ko sa kanya na kapag aktibo ka, at nakikita koi to ngayon sa ating mga manlalaro, talagang football lang ang nasa isip mo. Ngayon kapag tumigil ka na, at nagbalik tanaw ka sa naging takbo ng iyong buong karera – ilang beses ka nang makapaglaro, ilang beses kang nanalo, ilang beses kang natalo, ilang titulo ang nakamit mo at ilang beses din binawi ito sayo. Ang buhay ng isang manlalaro ng football ay masaya at ito mismo ay isa nang titulo. Lagi kong sinasabi, maswerte ako at nakapaglaro ako sa pambansang koponan, limang beses sa World Champions, at makapaglaro sa Real Madrid. Sa Madrid talagang isang kompetisyon (Champions League) lang ang gusto naming makamit. Dumaan ang 32 taon na hindi kami nanalo, at nung 96’. 97’ at 98’ nanalo nga ulit kami. Kaya ang talagang nakakapagpasaya sakin ay, masuot ang berde at dilaw na uniporme, at syempre, ang masuot ang simbolo ng Real Madrid sa aking dibdib, na hindi ganoong kadali.

Guillem Balagué:

Hindi ko alam kung madali lang ba ito para sayo, ano ang pinaka pinagmamalaki mo – kung paano mo nakamit ang lahat, ang impresyon na iniwan mo sa laro bilang isa sa pinakamagaling na manlalaro, isang hindi mo makakalimutang goal, titulo? Ano ang pinaka pinagmamalaki mo?

Roberto Carlos:

Kung maari yung goal na nagawang maiskor ni Mijatović sa final ng Champions League. Naalala mo pa ba? Ako yung gumawa ng tira pagkatapos ay napigilan ng depense ngunit nagawang masalba ni Mijatović at umiskor. Sa tingin ko talagang nagmarka iyon sa buong karera ko. Siyempre, andon parin yung pasang ginawa ko kay Zizou, kasi yun ang nagpa-panalo sa pambansang koponan ko noon ng kampeonato. Pero kaya sana naming manalo ng dalawang kampeonato. Pero natalo kami ng France noong 1998. Ito talaga ang mga bagay hindi na dapat pinag-uusapan. Mas madaling maalala ang mga gunitang natalo ka kesa sa mga panahong nanalo ka. Pero andyan na yun. Sa tingin ko, sa lahat ng naranasan ko sa buhay… Syempre naalala ko pa ang mga magagandang nangyari pero sa parehong pagkakataon, nalulungkot din ako kasi hindi kami nanalo noong 1998, dahil lang hindi ako naka iskor ng goal laban sa Juve noong finals ng Champions League. Masaya na ako doon sa mga natitira pang bagay, ang pagkakaroon ng pagkakataon na makalaro ang pinakamagaling, ang maturuan ng pinakamahusay, ang makilala ang totoong mundo ng football. Talagang minahal at nirerespeto ako ng mga tao. Ito ang mga magagandang bagay. Wala akong hinanakit sa kahit anuman at masaya at ipinagmamalaki ko na sa 27 taon ng aking karera ay lagi akong napapaligiran ng mabuting tao.

Guillem Balagué:

Kapag nakikipag-usap ako sayo, palaging kong nararamdamn na hindi trabaho para sa’yo ang ginagawa mo, talagang mahal mo ang football, para sa laro at para maging parte nito. Kaya naman maligayang pagbati sa’yo at gaya ng dati, talagang ubod ng saya makipag-usap sa iyo.

Roberto Carlos:

Ganun din sayo. Maraming naituro ang football sa akin. At sa mga nakakakilala kay Roberto Carlos mula pa nung umpisa hanggang ngayon, sana malaman niyo na ginagawa ko ito para sa mga tagahanga, para sa mga taong pumunta upang makita akong maglaro at masiyahan sa laro.

Guillem Balagué:

Isa kang alamat!

Roberto Carlos:

Maraming salamat, ikaw din.

Guillem Balagué:

Roberto, maraming magandang bagay ang football pero ang masaklap sa lahat syempre ay yung mabalian ka at tanggal ka na sa buong taon. Nakita natin kung anong nangyari kay Neymar at hindi na siya makakapag laro ngayong taon dahil lubhang seryoso ang nangyari sa kanya. Nung marinig mo ang balita, sa tingin ko, nagulat ka ba?

Roberto Carlos:

Sa tingin ko nung nagsimula tayong mag-usap tungkol sa football, napag-usapan natin yung mga pilay ni Courtois, Militão at marami pang ibang manlalaro na galing sa Barcelona. Talagang nakakalungkot iyon. Ngunit sa laban pagitan ng Uruguay at Brazil, biglang napahamak si Neymar. Isa sa pinakamagaling na manlalaro sa mundo ang nasaktan at bakit? Hindi maganda ang palaruan. Ang mga manlalarong ito ay maraming laban at palaging nasa mahahabang byahe. Nung isang araw lang nasaktan din si Messi sa laban niya doon sa Inter Miami. Alam kong inaalagaan ng husto ni Cristiano ang sarili niya pero tiyak kong may iniinda din siyang sakit sa kalamnan. Pagdating naman kay Neymar, alam na nating ang rason – natapilok siya dahil sa estado ng lugar, at marahil sa pisikal na pagod. Minsan talaga, sa bilis na yun, isang maling kilos mo lang ay talagang mababalian ka. Isang bagay na dapat pagtuunan niya ng pansin ay ang pagsilang ng kanyang anak na babae. Sigurado ako masaya siya na kapiling ang kanyang pamilya ngayon. Meron talagang negatibo at positibong aspeto dito. Hindi siya makakapag laro ng anim hanggang walong buwan kasi may pilay siya. Pero sa parehong pagkakataon, andyan naman ang kanyang pamilya para magbigay lakas at sumuporta sa kanya para gumaling siya agad at makabalik na dahil talagang kailangan siya ng football.

Guillem Balagué:

May isang tanong nalang ako tungkol sa hinaharap ng Clásico, tingnan natin kung ang tingin mo. Ano sa akala mo ang magiging resulta? Sa ngayon, mukhang ang Madrid, Barça, Atlético de Madrid ang mag-lalaban para sa título, kaya medyo importante ito, pero ano ang nararamdaman mo para sa Clásico mismo?

Roberto Carlos:

It’s complicated for both teams. If the match was scheduled to be played at the Bernabeu, I'd tell you a score that might be meaningful. But we’re playing in Barcelona. We will see how the state of mind is and how Barcelona’s players recover in this week and a half. Before Barcelona we have a match with Braga playing in Portugal. They also have an important Champions League match. In other words, of course, if you come in as league leader we give you a certain advantage. But in the Clásico it's very even. It depends on the motivation and on the moment. I'm sure it will be a great game and we're going with the maximum hope of playing a great game. Is it difficult to win there? Yes, but winning for them will also be difficult. It's going to be a very interesting match.

Talagang komplikado ito para sa mga koponan. Kung ang laro ay gaganapin sa Bernabeu, masasabi ko sayo kung ano ang maaring maging iskor ng laro. Pero kapag lalaruin ito sa Barcelona, makikita natin ang estado ng mga utak ng mga manlalaro ng Barcelona at paano sila makakabawi sa loob ng isang linggo at kalahati. Bago ang Barcelona, may laban pa kami kontra ang Portugal. Mayroon din silang importante laban sa Champions League. Sa ibang salita, kung ikaw ang nangunguna sa liga tiyak may kalamangan ka na agad. Pero sa Clásico talagang pantay lang lahat. Naka-depende na ito sa motibasyon at kung anong mismong mangyayari. Sigurado naman akong magiging maganda ang larong ito at talagang lubos na inaasahan natin na magiging maganda ang laro. Mahirap bang manalo? Oo, pero ganun din naman ang pagkapanalo ng ibang koponan. Talagang napaka-interesado ng mga mangyayaring laban.

Guillem Balagué:

Salamat, Roberto.

Roberto Carlos:

Maraming Salamat din.

Gusto naming pasalamatan sina Roberto Carlos at Guillem Balague para sa panayam na ito at ang aming partner, Betwinner, kung saan mae-enjoy mo ang kanilang eksklusibong welcome bonus gamit ang aming Betwinner Promo Code 2024 kapag ikaw ay gumawa ng account.

comment PanayamKasamaSiRobertoCarlos
Comments (0)
Maglaro nang responsable 18+