Si Guillem Balagué ay isang Espanyol na manunulat sa palakasan na nakatuon sa larong football. Sa kasalukuyan, maririnig mo ang kanyang mga argumento sa regular na programa ng BBC Radio 5 at La Liga TV. Ang kanyang mga kathang pampalakasan naman ay mababasa sa Catalonian Daily Newspaper. Meron din siyang sariling podcast at iilang mga video na nakapaskil sa kanyang YouTube channel. Sa huling dalawampung taon, nakatuon ang kanyang atensyon sa mga pangyayari sa loob at labas ng Spanish football bilang isang eksperto sa Revista de La Liga na pinapalabas sa SkySport News TV station. Kilalang-kilala siya ng mga tagahanga ng Spanish Football at ang kanyang Twitter ay mayroong 1.3 million na tagasunod. Bukod dito, si Guillem ay nagtuturo din sa UCFB (University Campus of Football Business) upang gabayan ang mga bagong sibol na mga mamamahayag.
Marami naring sikat na aklat na si Balagué ang may-akda. Ang pinakaunang aklat na sinulat niya na nailathala noong 2006 ay pinamagatang A Season on the Brink presenting Liverpool led by Rafael Benitez ay naging napakabenta. Pagkatapos ng anim na taon, sinulat naman niya ang pinakaunang biograpiya sa mundo na tungkol kay Pep Guardiola na nakabase mismo sa kanyang mga panayam kay Guardiola, kanyang dating mga kasamahan at ibang malapit na kaibigan. Ang aklat na ito ay naging isa sa mga nominado para sa parangal bilang Football Book of the Year sa Great Britain at Germany.
Malawak ang kanyang naging karanasan bilang isang manunulat, kabilang na dito ang pagsulat sa biyograpiya nina Messi at Cristiano Ronaldo. Ang aklat ay tungkol sa alamat ng FC Barcelona noon 2013 at ang una at natatanging awtorisadong titulo na nakatuon sa buhay ng isang Argentinian. Nominado ito sa Football Book Award sa Great Britain pagkatapos lang ng isang taon. Habang iyong isang aklat tungkol sa mga Portuguese na nailathala noong 2015 ay pinangalanang Book of the Year sa British Sports Book Awards at nasungkit naman nito sa Poland ang parangal para sa The Best Sports Book. Sa pagitan ng mga taon na nailathala ang dalawang aklat na’yon, nalimbag din ni Guillem Balagué ang aklat tungkol sa kasaysayan ng FC Barcelona.
Ang dalawa sa kanyang pinakabagong aklat ay ang Mauricio Pochettino: Brave New World – Inside Pochettino's Spurs na naging pinaka-mabenta na aklat tungkol sa football noong 2018, at ang Maradona: The Boy. The Rebel. The God. Kamakailan lang ay may ginawa siyang panayam kasama si Patrick Kluivert tungkol sa football sa nakaraang taon na 2022/23.
Mababasa din ang kanyang mga katha sa The Telegraph, Marca, The Times, The Observer, Talk Sport, BBC, ITV, Cadena Ser, 442, World Soccer at marami pang iba. Kasama rin siya sa bumuo ng mga dokumentaryo tungkol sa mga pinakamahusay na manlalaro ng football para sa CBS, BBC at Sky Sports. Si Messi, Neymar, Cristiano Ronaldo, Lewandowski, Mbappe, Alex Ferguson, Mourinho at Pep Guardiola ay ilan lang sa mga halimbawa ng mga sikat na manlalaro sa buong mundo na nakapanayam ni Guillem Balagué. Siya ay mahahanap sa kaniyang Guillem Balagué X/Twitter account.
Guillem Balagué